Mula sa pagtingin sa kanyang cell phone ay agad na napalingon si Bettina sa kamang kinaroroonan ng kanyang ama. Gising na ito at ang mga mata ay agad na nabaling sa kanya. His lips instantly curved into a smile as he saw her inside the room. Tumayo siya mula sa mahabang sofa na kanyang kinauupuan. Sa sofa na rin na iyon siya natulog kagabi nang magpasya siyang samahan ang kanyang ama sa ospital. She was with Luis last night. Ang binata ay mas pinili na lamang kagabi na maupo sa kanyang tabi at hayaan siyang makapagpahinga. Madaling-araw na nang ito naman ang hayaan niya na matulog. Kanina, pagkagising ni Luis ay agad din itong nagpaalam sa kanya na aalis at makikipagkita sa imbestigador na kakilala nito upang makibalita sa imbestigasyon ng nangyari sa kanyang ama. Matapos makapaligo sa b