Agad na nanlaki ang mga mata ni Alexa nang bigla na lamang ay may humatak ng kanyang isang kamay. Dahilan iyon para mapalingon siya sa kanyang likuran upang tingnan kung sino ang may gawa niyon. She saw a man. Hindi pa man niya lubusang nakikita ang kabuuan ng mukha nito nang muli na naman siyang mabigla dahil sa sunod nitong ginawa--- the man pulled her closer to him and enveloped her in a very tight embrace. Hindi agad nakakilos si Alexa dahil sa labis na pagkagulat. Kanina nga ay napagpasyahan ni Sara na dumaan muna sa isang mini grocery store dahil sa may bibilhin ito. She agreed. Nang una ay pinili niya na maghintay na lamang sa labas at hayaan ang kanyang kaibigan na bilhin ang kung ano man na kailangan nito. Ayaw pa sana ni Sara at iginigiit nito na sumama na siya sa loob. But Ale