Marahan na ipinarada ni Luis ang kanyang iminamanehong kotse sa tabi ng kalsada. Pinatay niya muna ang makina niyon bago lumabas ng naturang sasakyan. Nang masigurong naka-lock na ang mga pinto ay saka siya naglakad patungo sa daungan na kanyang pinuntahan. Kasalukuyan siyang nasa Batangas Pier. Maaga pa lang kanina ay nagpasya na siyang umalis ng kanilang bahay at tinahak ang daan papunta roon. It was more than three hours drive for him to go there but he did not mind at all. He wanted to go there. He needed to go there. Tuloy-tuloy na naglakad si Luis hanggang sa makarating siya sa parte kung saan malapit na sa dagat. Hindi na siya nag-abala pang lumapit sa parte kung saan naroon ang mga ferries. Sapat na sa kanya na masilayan ang parte ng partikular na dagat na iyon. As he roamed hi