May ngiti sa kanyang mga labi habang pinagmamasdan ni Bettina ang mga taong kasama nila sa bulwagan na iyon. All of them have smiles on their faces. Lahat ay masaya sa pagsama sa kanila upang ipagdiwang ang araw na iyon--- ang kasal nilang dalawa ni Luis. Katulad ng napag-usapan nila sa ospital ay nag-umpisa silang magplano ng kanilang kasal matapos niyang gumaling mula sa natamong tama ng baril. Everyone was excited about it. Higit kanino man ay ang kanyang dalawang ama ang masayang-masaya para sa kanya. Matapos nga ng nangyaring pag-usapan sa kanila ni Reynaldo ay naging maayos na ang lahat sa pagitan nilang dalawa. Sa San Sebastian pa rin ito nanatili ngunit ngayon ay mas nagkaroon na sila ng komunikasyon sa tulong na rin ng kanyang pinsan na si Gino. Kay Gino siya madalas na tumawag