Alexa roamed her eyes around the place. Kasalukuyan na siyang nasa terminal ng Legazpi City at kasama si Sara. She felt so uneasy. Katulad ng napag-usapan nila ng kanyang kaibigan ay sumama nga siya dito sa pagpunta ng Manila. Walang kasiguraduhan sa gagawin niya. Kung tutuusin ay may pangamba sa kanyang dibdib, pangamba na hindi niya alam kung saan nagmumula. Maging si Sara ay may pag-aalinlangan sa naging pasya niya. Ang iniisip nito ay si Cedric. Hanggang sa mga oras na iyon ay walang alam ang binata sa kanyang pag-alis. Mula nang mangyari ang paghalik na ginawa nito sa kanya ay waring nagkaroon ng napakataas na pader sa pagitan nilang dalawa. Magkasama sila sa iisang bahay ngunit halos hindi sila magkibuan ni Cedric. Kanina ay pumasok ito sa trabaho. Maaga pa lamang ay umalis na ito