"K-Kasama ko nga siya, Cedric," narinig ni Alexa na wika ni Sara sa kausap nito sa cell phone. Alanganin pang lumingon sa kanya ang kaibigan niya na wari ba ay nagpapatulong sa kung ano ang sasabihin sa nasa kabilang linya. Nasa Cubao na silang dalawa at kabababa pa lamang nila ng bus. It was only six in the morning. Katunayan ay kagabi pa tunog nang tunog ang cell phone ni Sara dahil sa mga tawag ni Cedric. Isa man sa mga iyon ay wala itong sinagot dahil na rin sa rason na nakasakay pa sila ng bus at hindi rin naman nito nais na maulanigan ng iba ang pakikipag-usap nila sa binata. Muli ay sumenyas si Sara sa kanya. She was asking her if she would talk to Cedric. Sa huli ay kinuha na rin ni Alexa ang aparato at siya na nga ang kumausap dito. "H-Hello. . ." she said in a low voice. "Ale