Pagkagaling ng terminal ng bus ay dumiretso muna sina Alexa at Sara sa Quezon City kung saan naroon ang kamag-anak ng huli. Tiyahin ni Sara ang tutuluyan nila pansamantala habang naghihintay ito na makapasok sa inirekomenda ni Aling Josie. Pansamantala lamang sila roon sapagkat stay-in ang trabahong alok kay Sara. Ayon sa kanyang kaibigan ay mananatili ito sa bahay ng magiging amo nito sa panahong mamamasukan ito roon. That would be convenient for her friend. Sabi naman daw ni Aling Josie ay madali lang naman ang gawain nito sapagkat bata lamang ang aasikasuhin ni Sara. Iba pa daw kasi ang kasambahay na siyang gumagawa ng mga gawaing-bahay. Makakaipon na ang kanyang kaibigan ng malaki-laking halaga sapagkat libre naman daw ang lahat sa durasyon ng panunuluyan nito sa magiging amo. Saman