Luis moved swiftly. Agad niyang hinawakan sa kaliwang kamay si Jaime saka inakay na maglakad patungo sa daan na tinuro nito sa kanya. Daan iyon palabas na ng department store at patungo na sa bahagi kung saan matatagpuan ang iba't ibang kainan sa mall na iyon. It was weekend. Dahil sa walang pasok sa eskwelahan ay napakaraming tao sa loob ng mall. He roamed his eyes around. Kung totoo man nga ang mga sinabi ni Jaime ay baka makita niya pa ang babaeng sinasabi nitong si Bettina. Hindi naman natagalan na nahiwalay sa kanya ang anak niya. Agad din naman niya itong nakita kaya naniniwala siya na hindi pa natatagalan mula nang maghiwalay ito at ang babaeng tinutukoy nito. She might still be at the mall. And Luis wanted to see her as well. Hindi niya alam kung bakit din siya naglakad patungo