She slowly opened the door and carefully went out of the house. Hindi siya dapat mahuli. Kailangan niyang maging maingat ang kanyang bawat kilos. Nang makarating siya sa labas ng bahay ay walang ibang nasa isip niya kung hindi ang makalayo sa lugar na iyon. Inilinga niya pa sa kabuuan ng paligid ang kanyang mga mata sa paghahanap ng mapupuntahan, sa paghahanap ng matataguan. Hanggang sa mayamaya ay bigla siyang napaigtad sa kanyang kinatatayuan nang makarinig ng isang malakas na pagsigaw. She knew someone was calling her name. Narinig niya iyon. Ngunit kung bakit hindi niya maunawaan ang pangalan na isinigaw nito ay hindi niya alam. Malabo iyon sa kanyang pandinig. Basta ang alam niya ay siya ang tinatawag ng taong kanyang nalingunan. Kahit ang mukha ng taong tumawag sa kanya ay hindi n