PINAREVIEW ko sa security department ang mail room pero burado ang footage at halatang altered. Ibig sabihin, may nakapasok dito at magaling sa computer. Or, may kilala ang suspect sa department na ito. Maalin lang sa dalawa at malalaman ko rin kung sino ang nananakot sa akin. May ilan akong naiisip na pwedeng gumawa sa akin nito. Una si Genevieve dahil sa bintang ni Miranda at pagsusumbong n'ya kay Gabriel tungkol sa bagay na ito. Pangalawa, si Zenaida na ngayon ay nagtatrabaho na rin sa hospital na ito. Imposible kasing si Miranda dahil s'ya ang nagbigay sa akin ng babala at tumulak na ito ng Amerika sabi n'ya. But the thing is, wala namang date ang mga sulat kaya hindi ko alam kung kailan nagsimula. It's frustrating. At dahil si Gabriel na mismo ang nagsabi sa akin kung ano ang ibinib

