Flashback continuation. . . BUT she's dead! Paanong buhay na buhay s'ya sa harap ko. Dinadaya lang ba ako ng paningin ko? Sino ang namatay na nabasa ko sa d'yaryong itinago nina Papa? "I don't know you, please go away." Kamukha n'ya lang siguro ito. I finally opened my car at uupo na ako sa loob ng kapitan n'ya ang braso ko. "Ano ba?! Don't touch me! You're so. . . ew!" Kaagad akong kumuha ng sanitizer at halos paliguan ko ang braso ko at pati kamay ko dahil baka may nakakahawa s'yang sakit. Her clothes are . . . sort of clean but she's old at malay ko ba kung anong sakit ang mayroon s'ya? Bumalatay ang sakit sa kanyang mga mata saglit pero kaagad ding napalitan ng panunuya na nahahaluan ng galit. "Akala mo ba hindi ko alam ang bawat aktibidades mo?" Ano ba ang pinagsasabi ng m

