KAUSAP n'ya ang isa sa mga katiwala at base sa mga kilos nito ay pinapaalis na ni Argenta ang mga ito para ngayong gabi. Oo nga naman, para magayuma na n'ya si Alaric at may mangyari sa kanila. Iipitin n'ya ito para magkasira ang dalawa ni Kastelana at s'ya ang piliin. Ang hindi n'ya alam, dahan dahan ko ng nailabas ang maliit na bote mula sa kanyang bulsa at ngayon ay nasa likod na ng plorera. This telekinesis is so cool! "Nakita ko ang ginawa mo. May kapangyarihan ka rin?" Bagamat pabulong ay may halong gulat ang tanong ni Kastelana sa akin. "Katulad rin ito ng sa iyo dahil sumalin sa akin noong nagising ka mula sa mahaba mong tulog sa loob ng libro," paliwanag ko sa kanya. "Ha?" Halata sa mukha n'ya ang pagkalito. "Ipapaliwanag ko mamaya sa iyo kapag tapos na ang lahat ng ito.,"