AKMANG susugod na si Kastelana at nakita ko nang umusok ang kamay n'ya. "Kalmahin mo ang sarili mo, Kastelana. Nandito ako para baguhin ang nakaraan at tulungan kang maging masaya sa piling ng minamahal mo. Bigyan mo ng pagkakataon si Alaric na patunayan sa 'yo na mahal ka n'ya at tapat ang pag-ibig n'ya." Pinatay nito ang usok sa kamay at pilit na kinalma ang sarili. "Ano ba! Argenta! Ano bang nangyayari sa 'yo?!" kumawala si Alaric kay Argenta at lumayo ng ilang dangkal. "Alaric! Mahal kita! Mahal na mahal kita!" hindi ito nag-abalang takpan ang sarili at nakuha pang ngumiti pero nanatili sa kinatatayuan n'ya. "Magkapatid tayo! Hindi ka dapat umaakto ng ganyan! Daig mo pa ang isang belyas sa kabayanan. Ayusin mo ang sarili mo!" sigaw dito ni Alaric at halata ang galit at pagkad