KASALUKUYAN na kinakausap ng tanod si Alaric at ang pamilya ng pinatay ni Argenta. I knew why Argenta did it but I didn't dare say anything. Narinig ko ang usapan nila na dahil balot ng kadiliman ngayon ay hindi nila makikita ang bangkay ni Argenta at bukas na gagawin ang paghahanap sa katawan nito para mailibing ng maayos. Nang umalis ang mga tao ay naiwan kami sa loob ng bahay. Si Anita at ang nobyo n'ya ay nanatiling nakatindig malapit sa may mesa. Si Alaric ay binalikan si Kastelana na ngayon ay nakaupo sa bangko malapit sa may pinto. At ako? Nandito ako malapit sa may balkon. Ang aparisyon ni Lana ay ngumiti sa akin bilang hudyat na nagtagumpay kami sa misyon. Unti-unti itong lumapit sa katawan ni Kastelana at sila ay naging isa. "Kastel," tawag n'ya sa akin. Hay salamat! Naaala