LA GUARDIA | Present time IT felt really good to see Lana and Alaric together finally. Hindi na n'ya kailangang matulog muli sa loob ng libro ng isang daang taon para magkasama sila uli. Madaling araw na ngayon pero mulat na mulat pa rin ako at nakakapanibago na wala na si Lana dito sa apartment. Nang magbalik ako dito matapos akong mapunta sa portal ay nakita ko ang sarili kong nakatayo sa gitna ng kusina. Walang pagkahapo at normal lamang. Para bang nagising ako mula sa isang panaginip at may recollection ng mga naganap. 'Yon nga lang, wala na akong powers. Noong nasa nakaraan kami ay bumalik na kay Lana ang lahat at isinauli na n'ya kay Parisa ito. Nahagip ng paningin ko ang paso ng orchids sa gilid. Lana gave it to me. Galing ito sa Cantata at iniuwi namin dito. She called it Dendro