PARANG may isang malamig na hangin ang naramdaman ko ng mamutawi sa labi ko ang apelyidong 'yon. "Dela Questa. Are they from around here?" tanong ko sa kanya. "Hindi s'ya lumaki dito pero ang mga ninuno n'ya ay sa Valencia nagmula. Their family migrated to the States at doon na s'ya ipinanganak. Nakakatuwa lang na matatas s'yang magsalita ng Tagalog kahit medyo sawit s'ya." Kung makikita mo ngayon si Krista La Guardia ay hindi mo aakalaing isang medical director ng isang malaking hospital. The first thing that would come into your mind is that she is. . . a woman. Isang babae na marunong magmahal at patuloy na nagmamahal sa isang lalakeng nakilala n'ya sa gitna ng kawalan. "So, did you see him again?" tanong ko sa kanya. "I did. . . many times after that. We started dating. Mayaman