WALA akong maapuhap na sagot sa tanong n'ya. Hindi ko alam kung ang aircon ang nakapapalamig ng paa at kamay ko o talagang ninerb'yos lang ako sa tanong n'ya. Getting married is such a big step. And I'm how old? Barely twenty-four. Ang dami ko pang pangarap. Dapat na ba akong magpakasal ngayon? Ora-orada? Marriage doesn't guarantee that you will be together forever. Kapirasong papel lang naman 'yon hindi ba? Parang ownership mo sa isang tao. But you don't own people. . . you can't own people. I can't think right. Oh my gosh! "I. . . I. . . " I felt like the oxygen was robbed from my lungs. Alanganin ang ngiti n'ya at naghalo na rin ang nerb'yos. . . takot ba ang nabanaag ko sa mga mata n'ya? Of course I want to marry him. It's just a little too early. Anong alam ko sa pag-aasawa? Kahit