FLASHBACK continued. . . ALAS SINGKO pasado na pero wala pa ring sundo na dumarating para sa akin. Kahit anino ni Joaquin ay wala. Ang sabi n'ya sa akin kanina noong naghiwalay kami ay nandito na s'ya bago ako matapos ang shift ko. I waited in the lobby patiently. Nagbasa ako ng dala-dala kong libro para hinid ako mainip. At hindi ko namalayan na alas sais na pala. Where is he? Sa isip ko ay baka nasiraan ng sasakyan o may dinaanan na kailangan n'yang bilhin. Sari sari na ang naisip kong dahilan dahil hindi kailanman nahuli si Joaquin sa usapan namin sa loob ng tatlong buwan na magkasama kami. Like a good businessman, he was always on time. Ang katwiran n'ya ay mas mabuti na ang mauna s'ya kaysa paghintayin ang kausap. This is a first, kaya naman naninibago ako. Tumayo ako at lalabas

