HINDI na dapat magulat si Lana sa sinabi ko pero hindi pa rin n'ya naiwasan na magngalit ang bagang sa narinig. "What Crisanta had for my grandfather was not love at all. Ang pagmamahal ay hindi isang bagay na kailangan mong ipilit. Kung nakalaan sa iyo ang isang tao, kahit ilang taon kayong hindi magkita. . . kayo pa rin sa huli. Kahit pa hindi n'yo lubos na kilala ang isa't isa at nagtama ang inyong mga mata. . . ramdam mo sa kasulok sulukan ng puso mo na s'ya ang taong nakalaan sa 'yo. It's sad that Crisanta fell in love with a man who can't love her back, pero hindi 'yon dahilan para pumatay s'ya at manakit ng mga taong konektado dito. And best of all, hindi n'ya dapat pinatay ang mga abuelo at abuela ko. Wala silang kasalanan. Hindi kasalanan ang magmahal ng totoo," sabi n'ya sa aki