Chapter 32 CHOICES, kanina pa nag-iisip si Sheena ng maaring piliin niya bago kausapin si Sean. It's been a week now since she had a mental breakdown. Tuloy-tuloy ang therapy niya na malaki ang naging tulong sa kanya. Ngunit ngayong araw lugmok na naman siya sa pag-iisip at halos nakabisa na yata niya ang tanawin sa labas. Kulang na lang din ay maputol na ang daliri niya kakaikot sa singsing na nakasuot doon. "Sheena, are you okay?" Tanong sa kanya ni Ivanna. Napatingin siya agad dito saka pilit na ngumiti. "You're not skipping your meds, don't you?" "Nainom ako on time at hindi ako nag-skip." Paniniguro niya saka lumapit dito upang kuhain si Lucille. Naupo siya sa couch at pinaupo sa kandungan niya si Lucille. Kasama niya ang mga ito upang i-finalize ang lahat ng may kinalaman sa birth