CHAPTER 31 RINIG at alam ni Sheena na may sinasabi ang mama niya ngunit hindi magawang i-proseso maigi at patuloy lang siya sa ginagawang paghahanda ng pagkain ng kanyang anak. Nasa isipan pa din niya iyong mga nangyari nang nagdaang araw sa pagitan nila ni Sean. “Sheena, ano ka ba?” sigaw na gumising sa kanya at nagpabalik sa realidad. Agad niya nakita iyong pagkain na natapon na at umiiyak na si Lucille. “I’m sorry…” aniya saka nilapitan ang anak upang kalungin. Inalo niya ang bata upang tumigil na sa pag-iyak na tumatangay din kanya dahilan upang maiyak din siya. “Tahan na, Lucille,” “Ano bang nangyayari sayo, Sheena?” Kinuha sa kanya ng mama niya ang anak at ito na ang nagpatahan dito. Nilapitan siya ni Apollo para abutan ng panyo na agad naman niya pinalis. Nakita