CHAPTER 42 "WHAT do you think, Engr. Ortega?" Kunot noo na pinagmasdan ni Sean ng proposal design ni Shalee para bagong bahay niya. Doon iyon itatayo sa lupang nabili niya kamakailan lamang gamit ang ipon na pera. He wanted to have his own despite the existence of their parent's old house. Ang balak ibigay na iyon sa tiyahin at magpapatayo na lamang ng sarili na siyang ipang-re-regalo kay Sheena at Lucille. Unang hakbang para sa bagong simula nila kung sakali na bigyan pa siya ng isa pang pagkakataon ni Sheena. "Gawin na lang na simple iyong staircase kasi baka mamaya gumulong mag-isa diyan ang anak ko," "Tangek, may bantay naman si Lucille kaya hindi iyon gugulong mag-isa." "You wouldn't believe what my daughter can do, Sha. Tumalon na iyon sa sofabed na binili ko at nasobrahan sa pa