CHAPTER 43 "SEAN ang bibo ng baby mo at parang hindi napapagod." Iyon ang narinig niyang komento ng ni Sean. Nakatayo hindi kalayuan sa pwesto kung saan nakatuon lang ang atensyon niya sa anak. Hindi inaasahan ni Sheena na malaki pala ang anak ni Sean at halos malula siya. "Ilang taon na ba si Lucille?" "Two years old na iyan at kami ang mas naunang mapagod diyan." Sean said, which is true. Sumasakit na nga ang likod niya kung minsan at mahilig pa magpahabol ang kanyang anak. "Wala pa bang kasunod? Alam mo kami ni Bryan, wala pa dalawang taon yung first baby namin may kasunod na agad," Na-ubo siya ng marinig iyon. Pangatlo na iyon sa kapamilya ni Sean na nagtanong kung wala pa ba kasunod si Lucille na para bang ang dali-dali lang mabuntis. Naka-tsamba lang siguro sila nang ipinagbubunt