CHAPTER 44 “NASAAN TAYO?” tanong niya kay Sean ng huminto siya sa harapan ng isang bakanteng lote. Basta na lang inaya nito at pinag-suot ng tsinelas kanina ng dumating galing sa trabaho. Late na nga ang uwi niya dahil sa sobrang traffic sa EDSA at hindi na naabutan na gising ang anak. Hindi naman siya sinagot ni Sean kahit kanina pa siya tanong ng tanong kung saan ba talaga sila tutungo at kahit ngayon na nakarating na sila. Ngumiti lang ito sa kanya saka nag-alis ng seatbelt at bumababa. Akto siyang baba na rin at bubuksan ang ngunit naunahan siya nito at napagbuksan na ng pintuan. Chivalry is not dead huh… "So, where are we, Mr. Ortega?" Hinawakan nito ang kamay at dinala siya sa may unahan ng bakanteng lote kung saan may ilaw. May mangilan-ngilan tao siya nakita sa loob noon at