ZCHICK APOLLO( PHOBOS) "Ano bang nangyar, ah? Bakit basang-basa 'yang damit mo? Hindi ka ba nahihiya't pinagtitinginan ka ng mga tao dahil bakat 'yang bra mo?" naiinis kong tanong. Buti na lang talaga at dumating kami kaagad. Paano kung hindi? Paniguradong mapupuruhan na naman siya, at ang malala, marami ang nakapaligid sa kanila. "Tsss, ano naman kung bakat? Hindi ko naman ikakamatay, di ba? At saka kasalanan kasi no'ng bwesit na babaeng 'yon kanina. Hindi tumitingin sa dinadaanan, natapunan tuloy ako ng tubig na iniinom niya," sagot ni Amira. Itinapon ko sa kama ang tuwalya para ipunas niya sa kanyang katawan. "Oh? Saan ka pa pupunta?" takang tanong ko. SInimangutan ako nito tapos nagpakawala ng mahinang tawa. "Saan pa ba? Edi sa banyo. Alangan namang palayasin kita rito sa sarili mo