AMIRA It's the most awaited part of being a student, pero ngayon hindi ako natutuwa. Pano ako sasaya sa once in a year na party, eh wala akong ka-partner. Sarap sampigain ni Hayashi, simula pa kanina pagpasok namin sa room pinapainggit na niya sa akin 'yong nangyari kagabi. Kesho muntik pa raw magpang-abot sa mala-honeymoon ang kalandian nila ni Crik na dapat ay simpleng paghingi lang ng kanyang kamay para sa acquiantce. "Ano naman kung walang ka-partner? Traydor ka kasing bwesit ka! Akala ko ba friends tayo? Bakit nang-iiwan sa ere, ah? Malinaw naman 'yong usapan natin, di ba na ako ang kasama mong rumampa sa red carpet mamaya tapos ngayon ba-back out ka d'yan kasi pumayag ka sa offer ni Kanal!" walang preno kong sermon. Ngumiwi lang ito dahil guilty siya. Umiling ako ng ilang beses da