AIZARINA Pagkatapos ng isang araw na pamamalagi ko sa laboratoryo ni Mr. Finn Thompson, sa wakas naman ay makakaalis na ako. Hinihintay na lang niya 'yong mga result ng test, at kapag lumabas na raw, he'll update me. "Papasok ka na ba bukas?" tanong nito. Tumango ako at ibinalandra sa kanya ang matamis at inosente kong ngiti. "Masyado na pong matagal akong nawala sa Saint Augustus. Naaawa na po ako sa mga sumusuporta po sa akin," tugon ko na sinabayan ko pa ng pagiging mahiyain, kunwari. "Gano'n ba? Sige, pasensya ka na kung kailangan kitang hiramin sandali dahil alam mo naman, matagal na kaming desperado na makahanap ng lunas sa sumpa at ikaw lang ang tanging nilalang na alam kong makakatulong sa amin," ani to. Hinawakan ko ang kamay ni Mr. Finn para i-comfort. "Wala pong anuman. Gus