Ang mga tala sa kalangitan at ang buwan ay tuluyang naglaho sa kalangitan. Bumagsak ang malakas ng ulan, kasabay ang pagpatak ng pawis sa katawan ng bagong magkasintahan. ZCHICK APOLLO Gusto ko siyang hawakan nang punong-puno ng ingat dahil siya ang pinakaimportante sa akin. Ngunit hindi ko mapigilan ang aking pagkagahaman, mababaliw ako kapag patuloy kong pinigilan ang aking sarili. "P-Phobos. Ha!" Bawat tawag niya sa pangalan ko, pakiramdam ko sasabog ang aking puso. Iniangat ko ang aking ulo, labis akong nagulat noong nakangiti siya sa akin. "Thank you...for making me your wife. For letting me stay beside you, for being the happiest person in the world." Lagi niya akong nauunahan sa mga bagay na ito. Niyakap ko siya nang mahigpit, ibinaon ang mukha sa kanyang leeg. "You're making m

