AMIRA Pagkatapos naming maglaro sa labas, sumapit na ang pinakahihintay kong sandali. Sinadya kong maunang bumalik sa kwarto para makapaghanda sa balak ko kay Phobos. Inilatag ko na sa kama 'yong mga rosas na pinapitas ko doon sa Tito ni Crik. Palihim ko itong kinausap kanina, nagbabakasakali kung may tanim silang mga roses, buti na lang at meron. Kumuha rin ako ng wine para sa espesyal na gabing ito dahil sisiguraduhin kong hinding-hindi ito makakalimutan ni Phobos. Noong matapos na ako sa pagkalat ng mga petal. Excited akong pumunta sa CR para mag-ayos. Kinakabahan ako dahil ngayon ko lang ito ilalabas, ang aking ultimate alas ngayong gabi. Though, mukhang hindi makikita ito ni Phobos dahil tatakpan ko ang mata niya mamaya, pero, basta, bahala na! Para hindi masayang 'tong binili kong

