XYMOND LYH "Lalaki ng nahuli ng Tito mo, no? Anong pinapakain dito?" tanong ko. Ngayon lang kasi ako nakakita ng malaking tilapia. "Di ko alam. Kanina kasi kausap natin siya hindi mo na tinanong," tugon ni Crik na nag-aayos ng ihawan. "Ngayon ko lang nakita nang buo, boklogs ka. Upo ka na lang sa gilid Kuya. Kami na rito," alok ko dahil hindi naman siya sanay sa ganito. "Tutulong ako. Ako ang magluluto ng ulam namin ni Amira," walang emosyn nitong wika. Natigilan kami ni Crik dahil ayan na naman siya. Alam kong mahal na mahal niya si Amira, wala namang aagaw at papalag, masyado siyang defensive dyan. "Pili ka na ng inyo, dude. Itong malaki, kasing laki ng pag-ibig mo sa iyong sinisinta," sabi ni Crik sabay abot kay kuya no'ng dalawang isda. "Ipwesto mo na, ako na lang magpapaypay. Sali

