Malapit nang malagas ang unang araw para sa mga kabataang tumakbo panandalian sa mundo upang maghanap ng kalayaan. Magkakasama silang umupo sa dalampasigan, pinagmasdan ang paglubog ng araw nang may ngiti sa mukha. Magkahawak ang kamay, walang ibang laman ang kanilang puso kung hindi ang nag-uumapaw na kasiyahan. "Waaah! That's not fair, Phobos! Take this!" Takbo hangga't may pagkakataon pa kayo, mga malalayang kaluluwa. Maglaro sa dagat at magtampisaw habang unti-unting nagpapaalam ang haring araw. Maglaro kayo, gawin ang inyong gusto. Mahaba pa ang oras, ngunit hindi ang buhay, tandaan niyo. Ikampay ang malalaking pakpak, liparin ang kalangitan kahit walang kasiguraduhan kung kailan babagsak. Ang tanging mahalaga lang ay nabuhay kayo nang walang pagsisisi, paraan man ay tama o mali.

