Sa ilalim ng bilog na buwan, may sumisigaw. Namimilipit sa sakit, may humihiyaw. Latigong itim ang nagsisilbing batas, nabalot ng latay ang makinis na balat. Naglalakihang puno ay sumasayaw, musika ng luha at pighati, patuloy na nag-aagaw. Walang makakarinig, walang sasaklolo. Ilang ulit ka mang humingi ng tulong, hindi makakarating sa dulo. "Wag mo na akong piliting sampalin ka ulit, Amira. Ang daming nasasayang na pagkain!" Patuloy na kinukumbinsi ni Joshua si Amira na paunlakan ang pagkaing kanyang inaalok. Hindi matapos ang hikbi ng dalaga, sinabayan pa ng panginginig ng katawan nito. "Kain na, sige na," maamong paanyaya ni Joshua. "Ayaw ko ngang kumain! Ano ba! Gusto kong umuwi! Iuwi mo na ako, Joshua! Please lang!" Nalaglag ang panga nito pagkatapos magmatapang na sabihin ang

