SHANE "Ito na, nagri-ring na ang number ni Joshua." Inabot sa akin ni Dylan ang kanyang cellphone at binigay iyon sa akin. Kung bakit ba kasi ayaw niyang siya na lang ang kumausap doon, eh, kailangan niya pang ipasa sa akin. "Hello? Joshua, si Shane ito," pagpapakilala ko sa kabilang linya. Narinig ko itong tumawa, at hindi lang iyon, may iyak din akong nakukuha. "Tita, kanina ko pa po hinihintay ang tawag niyo. Naunahan pa kayo ni Zchick!" Kumunot ang noo ko sa narinig. Zchick? Tinutukoy niya ba ang anak ni Keisha? "Anong pinagsasasabi mo? Bakit naman sa iyo tatawag ang batang iyon? Matagal nang walang koneksyon ang pamilya namin sa kanila. Nasaan kayo ni Amira? Umuwi na kayo rito't anong oras na!" "Ehh--Tita, dyan po kayo nagkakamali." "Kung anuman 'yang gusto mong ipaliwanag,

