Pasado alas dyes na ng gabi nang makabalik si Joshua sa lumang bahay. Kaagad siyang pumanik para ibigay ang binili niyang pagkain at ilang mga damit sa dalaga. Hindi niya marinig ang sigaw nito kaya iniisip niya na baka nakatulog na sa sobrang pagod si Amira. Sinilip niya ito sa maliit na awang at hindi nga siya nagkamali. Pinagkakasya ni Amira ang katawan sa maliit na espasyo para makatulog, ngunit kahit anong gawin niya, hindi siya magkakasya dahil dinisenyo ang aparador para lamang sa paslit. Bago buksan ni Joshua ang pinto ng aparador, inihanda niya muna ang kadenang kanyang ilalagay sa paa ni Amira upang hindi na niya ito ikulong pa sa aparador. Pati ang stun gun ay inilabas niya rin kung sakaling maglaban ang dalaga. Sinusian niya na ang kandado at binuksan na aparador. Nanghihina

