Sa muling pagkakataon, nakatayo na naman sila sa payapang lugar, tumatangis, habang pinagmamasdan ang dahan-dahang pagbaba ng kabaong sa lupang pagtataguan nito sa mahabang panahon. Tahimik nilang inaalala ang matatamis na ala-alang kasama ang isa sa pinakamahalagang tao sa kanilang buhay, ang nagbigay ng pag-asa, oportunidad, at nagpakilala sa mga bagong bagay. Sa huling pagkakataon, sinilip nila ang mukha nito sa kabaong bago tuluyang hayaang makawala ang kaluluwa niya sa malupit na mundo. "You've done enough...rest well, Lolo President." --- 9 months later HAYASHI Hays! Napakabilis talaga ng panahon! Biruin mo 'yon, parang kahapon lang sumisigaw kami sa loob ng court, nagche-cheer sa mga boyfriend namin tapos ngayon? "Bobita! Congratulations! Shuta ka! Ngayon ko lang ito sasabi

