KEISHA Kasalukuyan naming binabagtas nina Kamatayan at Xen ang daan patungo sa school dahil nakatanggap ako ng dalawang tawag kanina. Una dahil nasa clinic si Phobos at may tama sa paa. Si Deimos naman nasangkot sa bardagulan. Hindi pwedeng hindi ako pumunta kahit pa na may dinadala ako ngayon dahil mga anak ko 'yong pinag-uusapan. "Hindi ba't may ganap sa SEA ngayon? Paano mapapasabak sa away 'tong si Deimos at ano na naman kaya ang dahilan," wika ko doon sa dalawa. "Interhigh nila ngayon. Sa pagkakaalam ko kasama sila sa basketball, baka tungkol doon ang away. Pinikon ata nila nang husto ang kalaban nila," hula ni Xen. "Baka naggantihan lang. Na-injured si Phobos, siguro kasalanan no'ng kalaban nila, gumanti sina Deimos," entry naman ni Kamatayan. Parehong may punto ang kanilang hula

