HAYASHI "Hoy, halika na at pupunta na tayo sa bahay nina Amira. Gamitin na raw natin ang kotse na iniwan ni King Phobos para maihatid na rin diretso sa bahay niya," wika ko. Labis akong nagulat noong marinig ang balita na bumalik kaagad ng Pilipinas si bakla kahit na natanggap naman 'yong design na ipinasa niya. Nagtataka ako dahil pinaghirapan niya iyon tapos bigla na lang niyang hindi itinuloy. Imposible namang dahil lang na-miss niya si King Phobos kaya siya umuwi? Hmmm... "Sa tingin mo ba, iyon lang ang dahilan? Wala nang mas malalim?" tanong ko sa asawa ko. "Oo nga. Alam mo namang hindi nila kaya kapag hindi sila magkasama, di ba? Or baka sinusundo niya si Phobos kaya siya bumalik. Bakit mo ba iniisip kung ano ang dahilan? Magdiwang na lang tayo dahil hindi na magiging bugnutin si

