AMIRA "Good morning," bati ni Phobos. Napangiti ako dahil husky ang kanyang boses, napaka-swabeng pakinggan. "This what I am missing. 'Yong maganda mong mukha ang bubungad sa akin sa umaga at tatapusin ang gabi nang ikaw ang kayakap." "Me too. Siya, get up na at kailangan pa nating mag-almusal," wika ko. Unang bumangon si Phobos tapos kinarga niya ako kahit hindi naman na kailangan. Lumabas kami sa kwarto at habang naglalakad patungong sala, tinanong niya ako kung anong lulutuin niya ngayon. "I want to eat bread with strawberry jam and pickles on top, and don't forget to toast it," nakangiti kong sagot. Ngumuwi siya dahil paniguradong hindi raw iyon masarap. At kailan ko pa raw ako nahilig sa strawberry? "What? Ang cute kaya ng combination no'n! At saka, for my drink, I want tsaa. I k

