AMIRA D*mn! Muntik ko nang masuntok ang bwesit na 'yon! Noong masiguro ko na nakaalis na si Joshua, kaagad akong pumasok sa room and then, mabilis pa sa kidlat na niyakap ako ni Phobos. "Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Hayashi. Gustuhin man nitong lapitan ako, hindi niya magawa dahil sa damulag na si Phobos. "I-I'm okay. Huy! Get off me! Anong nangyari sa iyo?" takang tanong ko, pilit na inilalayo ang katawan ni Phobos. "Narinig niya kasi ang pag-uusap niyo no'ng Joshua, at muntik lang naman niyang basagin ang pinto para lang masapak 'yong lalaking kausap mo! Buti na lang napigilan nina Xymond at Crik! Pero, Bakla!! Totoo na bang bumalik na ang ala-ala mo? Seryoso ba iyon?" maligalig na tanong ni Hayashi. Kulang na lang kumislap ang kanyang mga mata dahil sa tuwa. Tumango lang a

