ZCHICK APOLLO Alas tres na ng hapon at apat na oras na ang nakakalipas pagkatapos naming magpakasaya ni Amira. She's sleeping soundly beside me, habang ako'y nakatitig lamang sa kanyang magandang mukha. "How can you be so beautiful every time? Every angle?" mahinang tanong ko habang marahang hinahawi ang buhok na nakaladlad sa kanyang mukha. I kiss her on her cheeks. Akala ko magigising siya ngunit tulog mantika nga pala si Amira. Bumangon na ako't kinuha ang aking cellphone. Hindi na ako nag-aksaya ng lakas na magbihis dahil wala namang ibang naririto kung hindi kami lang. "Hello? Mom?" bati ko sa kabilang linya. "Nasaan ka? Wala ka bang balak umuwi? Pumunta rito si Deimos tapos noong tinanong ko about sa iyo ngumiti lang siya nang nakakaloko. Anong nangyayari, ah? Phobos?!" sunod-sun

