CHAPTER 58.5

1001 Words

Madilim ang paligid kahit na nakamulat na ang mga mata ni Amira. Hindi alam kung saan siya dadalhin ng pamilyar na kotseng kanyang sinasakyan. "M-Mom? Dad? What? Kailan pa kayo bumalik?" takang tanong nito. Wala siyang nakuhang sagot mula sa kanyang magulang, ni hindi man lang siya nito binalingan ng tingin. Gulong-gulo ang isip ng dalaga ngunit wala siyang magawa kung hindi ang tanawin ang maliit na bintana ng sasakyan at matakot sa malalaking puno na nakikita. Gaano siya katagal na nakatulog? Anong oras umuwi ang kanyang mga magulang? Iyon ay iilan lamang sa tumatakbong tanong sa kanyang isipan. Matagumpay na nasakop ng takot ang buo niyang sistema. At dahil doon, nagsimula siyang sumigaw nang malakas, pilit na hinihingi ang sagot sa kanyang mga magulang kung saan siya nito dadalhin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD