Natapos na ang unang gabi para kina Shane at Dylan. Kahit na ilang beses na i-comfort ni Dylan si Shane, hindi maalis sa kanya ang kabang nadarama dahil sa takot na baka may masamang mangyari sa kaniyang anak. "Kapag pumayag kaagad ang Lola mo, babalik na tayo sa Manila. Nakausap mo na ba si Amira?" tanong ni Dylan. Magkahawak ang kanilang kamay, marahan niyang pinipisil ang magkabila nitong palad upang tulungang kumalma. "I've tried to call her kanina pero nagri-ring lang ang kaniyang cellphone. Sinubukan ko ring tawagan si Joshua para sana makiusap na tingnan si Amira pero kahit ito'y hindi sumasagot," sagot ni Shane na animo'y maluluha sa labis na pag-aalala. Mas lumapit si Dylan sa kanyang asawa, inilipat ang isang kamay sa pisngi nito at dahan-dahan na hinaplos. "Shhh...baka magk

