CHAPTER 56: FIRST NIGHT

1433 Words

AMIRA Madilim na paligid, malamig na hanging dumadampi sa dibdib. Habang lunod kami ni Zchick sa katahimikan, malakas na kalabog ng puso ko, hindi ako tinatantanan. Palapit kami nang papalapit, sa masukal na daan. Hindi ko alam kung ano ang aking mararamdaman. Ngunit sigurado akong hindi ako natatakot, at pagkasabik ang siyang naglalagay sa akin sa magandang bangungot. Pumasok kami sa makitid na pasilyo, malalaking puno ang siyang nagsilbing gabay sa amin patungo sa malaking espasyo. Tumigil kami sa tapat ng malaking tarangkahan, inalok na niya akong bumaba ngunit lumilipad ang aking diwa. "Amira?" tanong niya ulit. Doon lang bumalik sa katawan ko ang aking kaluluwa. Ibinigay ko ang aking kamay sa nakalahad niyang palad na parang ipinagkakaloob ko sa kanya ang kalahati ng aking buhay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD