ZCHICK APOLLO "Amira," tawag ko. Pagkatapos kong marinig na nakita niyang naghahalikan sina Deimos at Rose, sumagi sa isip ko 'yong mga gabing wala kaming ibang iniisip kung hindi kung paano paliligayahin ang isa't isa. Noong tingnan niya ako, nakaramdam ako ng kakaibang init. Katulad ito noong hindi pa ako gumagaling. Tinitigan ko ang kanyang mata, pababa sa ilong nito hanggang sa mapula nitong mga labi. Get a hold of yourself, Phobos. She can remember neither you nor your relationship with her. "Gusto mo bang bumalik ang ala-ala mo?" seryoso kong tanong. Noong hindi kaagad siya sumagot, nalungkot ako. Kahit katiting, ayaw niya bang malaman kung gaano siya naging kasaya kasama ko? "Ewan. Hindi ko alam. Wala naman sigurong exciting na nangyari sa akin noon," nag-aalangang sagot nit

