CHAPTER 55: INUMAN FT. BALIK SA NAKARAAN

1087 Words

XYMOND Kanina ko pa pinagmamasdan sina Kuya at Amira na nag-uusap. Medyo nag-aalala ako dahil baka hindi makontrol ni Kuya ang kanyang emosyon at may masabi kay Amira. "I'm happy that they both find each other again. Siguro, talagang itinadhana sila sa isa't isa," rinig kong sabi ni Rose sa aking gilid. Bahagya akong yumuko at ngumiti. "Yeah...simula't sapul, sila naman talaga,"tugon ko. "Are you still in love with Amira?" diretsong tanong nito. Tiningnan ko siya and she gave me a serious look. "Bakit mo natanong 'yan?" tatawa-tawa kong tanong pabalik. "Because you're staring at her the whole time...simula noon hanggang ngayon," banat nito. "I loved her but I already moved on," matipid kong tugon at sana sapat na iyon sa kanya para tumigil sa kakaisip na may gusto pa ako kay Amira.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD