AMIRA "Hindi ko alam kung maloloka ako sa biglaang announcement ni Prince Deimos kanina o matutuwa. Hayyys! Ship ko pa naman kayo ni King Phobos kasi mala-Cinderella ang inyong peg pero, okay lang naman din kung si Prince Deimos ang iyong nabagsakan kasi they're like identical twins naman. Mas matanda nga lang si King Phobos," ngawa ni Hayashi early in the morning. After 1 and a half hours na pagtitiis sa mga mapanibughong mga titig ng mga kaklase namin, heto kami ni Hayashi ngayon, nasa cafeteria at sa VIP room pa kung saan nagda-dine ang Royalty club. Paano kami nakapasok? Pinahiram lang naman sa amin ni Deimos ang golden card nito. Pumalag ako, baka sabihin niyong hindi. Pumalag ako gamit ang aking mga titig pero itong bruhildang Hayashi na ito kinuha agad 'yong card at todo-todong n