AMIRA "Hanggang dito na lang kayo unless gusto niyong samahan si Miss Amira sa loob?" tanong ni Crik doon sa mga masipag na mag-aaral na talagang sinamahan ako simula cafetria hanggang punishment room. Hindi naman na sila pumalag dahil ano pa bang sisiguraduhin nila? Eh nasa tapat na ako ng kalawanging rehas. Noong nagsialisan na ang mga bwakanang-inang estudyante doon lang ako pinakawalan ni Crik. Nagtaka ako dahil guilty naman ako sa ginawa kong kasalanan. Napa-sobra 'yong galit ko kaya ko nasuntok 'yong linta kanina kaya dapat lang na pagbayaran ko iyon. Baka sabihin na naman, eh pinaburan na naman ako ni Phobos, nye nye nye. "Pasok na ako. Ilang oras ang ilalagi ko rito?" tanong ko sa kanya at nag-initiate nang pumasok sa loob ng punishment room. Tiniis ko ang nakakasulasok na amoy