AMIRA Pagkatapos ng dalawang oras na pamamalagi sa punishment room kasama si Deimos, dumating na rin sa wakas si Crik. Gulat ang mga mata nito noong makita niyang mahimbing na natutulog sa aking lap ang kanyang Kaibigan. "Can you help me? Masyadong mabigat si Deimos," pakiusap ko. Unti-unti kong inangat ang ulo nitong kanina pa nakalapat sa aking mga hita. Lumapit si Crik sa akin at marahang sinuportahan ang ulo ni Deimos paitaas. "Una na ako, ikaw na ang bahala d'yan," paalam ko. Paika-ika akong naglakad habang sapo-sapo ng isa kong kamay ang aking hita. Hinihilot ko ito dahil namamanhid. Habang binabagtas ang madilim na daanan, sumagi sa isipan ko 'yong nangyari ngayon. According kay Hayashi, kapag normal days hindi sila sumisipsip ng dugo dahil masyadong maikli ang mga pangil nila