SOPHIA "Nakarating ka na ba, Gaile?" tanong ko sa kabilang linya. Hindi kasi ako nakatanggap ng kahit ano rito sa babaknita kong anak. Hindi ko alam kung kanino 'to nagmana ng katamaran niya. "Yes, mom. And guess what, na-meet ko kaagad 'yong fiancee ni Zchick. She's beautiful, as expected sa pinsan ko, hahaha! May pagkakahawig din siya sa ugali ni Tita Keisha, so maybe isa iyon sa mga naging factor kung bakit siya nagustuhan ng pamangkin mo," balita nito. "Oh, binati mo? Naging mabait ka naman? Ikaw, maldita ko. Mana ka rin kay Keisha." "No! Hahaha! Siya nga 'yong nagmaldita. Sinampal ba naman si Phobos kasi akala niya nambababae 'yong kanyang fiancee. Tumawa lang ako, hehehe buti nga di ko nasampal pabalik no'ng gawin niya iyon." "Hahaha! Oh siya. Sige na at mamaya naman ang aming fl

