XYMOND LYH Ang bilis lumipad ng oras, isang buwan na rin pala ang lumipas after ng mainit at malaya naming bakasyon sa isla. Namuhay kami ng payapa, naranasan na rin namin sa wakas ang pagiging normal na mag-aaral, normal na tao. Banayad ang naging mga araw, walang halong sakit, problem, lungkot o ano pa mang negatibong emosyon. Iniisip ko na, sa wakas, unt-unti na naming natatamo ang sukli sa lahat ng hirap na ibinuhos namin. Sa lahat ng luhang pumatak, sa bawat sakit sa dibdib na nadama. "Anong nginingiti-ngiti mo dyan, Deimos? Tara na! Ayaw mo bang makita ang jowa mong sumasayaw? Section na nila ang magpe-perform," aya ni Crik. Naputol ang pagmumuni-muni ko para sundan siya. Ngayon ang unang araw ng Interhigh. Apat na schools ang panauhin ng SEA kaya busy kami noong mga nakaraang ara

